Albert Camus:
Don't believe your friends when they ask you to be honest with them. All they really want is to be maintained in the good opinion they have of themselves.
Ben Jonson:
True friendship consists not in the multitude of friends, but in their worth and value.
SA ATING BUHAY AY NATURAL LAMANG ANG MAGKAROON NG KAIBIGAN, KAIBIGAN NA IYONG MASASANDALAN, KAIBIGAN NA NAGPAPATAWA O KAIBIGAN NA
LAKWATSERA.
NABANGGIT LANG NAMAN NATIN ANG SALITANG KAIBIGAN, PWES IKUKWENTO KO NALANG SA INYO ANG TUNgKOL SA MGA pinaghalo na mga KAIBIGAN KONG HAYOP!
DAIG PA ANG MANILA ZOO!
-NAGKAROON NA BA KAYO NG KAIBIGAN NA ISANG ASO? ABA AKO MERON, ITONG SI ASO AY SADYANG NAPAKASUNGIT. DAHIL KAPAG SA TUWING MAY QUIZ KAMI SA MAJOR SUBJECT NAMIN at mangyaring magtatanong ka sa kanya kahit isang tanong lamang na maari namang isagot sa oo o hindi, aba'y kakaholin ka nya at agad magagalit, naku sobrang sungit talaga ng kaibigan kong ito! kaya kung mag-aaral sya at hindi sya handa utos ko lang sayo'y wag mo na syang pakialaman..ayaw nya ng maraming tanong..!!! minsan ayaw niya ring nadudumihan siya...halos aapoy na ang kanyang tenga pag naapakan mo ang kanyang sapatos!
-may isa pa akong kaibigan.. alam niyo kung ano? isang PAGONG.. hay nako sa pangalan palang napakakupad na! palaging nahuhuli pag kami ay naglalakad na barkada!..at take note hindi ko pa siya nakitang nagpanic sa klase, jusk like.. kung meron kaming pagsusulit o requirements na kailangan na talagang ipasa aba'y relax na relax lang ang pagong ko! minsan nga tinutulogan lang niya ang mga iyan! at diyan ako bilib sa kanya!
- meron rin akong kaibigan na MANOK! hay naku itong si manok hilig tlaga mag picture-picture! tsk3.. mukha niya talaga ang palagi kong nakikita sa sira kong camera! minsan itong si manok napakasungit,napaka pasyonista at maarte!aba ang palagi ko rin maalala sa kanya ay ang pagiging matatkutin niya sa araw! takot kasing umitim!
-nagkaroon rin ako ng kaibigan na tarsier..o diba tarsier talaga...hehehe, itong si tarsier halos magkatulad lang sila ni manok na mahilig magpapicture kaso ang naiiba lang sa kanilang dalawa ay yong sa pamamaraan ng pagsmile nila.. hindi tlaga naiiba ang smile ni tarsier, kahit galing pa iyan sa iyak, stress, o galit..tsk3 ang smile ay ganun pa rin! mahilig rin gumimik si tarsier kasama nila aso,pagong,manok... hay naku naman itong si tarsier ay mahilig rin pala kaya naman pala hindi agad2 nalalasing na immune na kasi..hehehe...
-kung meron akong tarsier aba'y dumako namn tayo sa mabangis na hayop, aba'y isipin mo nagkaroon rin ako ng isang kaibigang leon. siguro hindi ko na gaanong ipaliwanag ang ugali ni leon...tsk3.. basta masasabi ko lang sayo wag ka basta-basta magbiro sa leon ko siguradon tatayo ka na walang ulo. hay may ugali rin si leon na napapkaseryoso kaya hindi agad napagbibiruan!
-kung meron akong mabangis aba'y meron rin akong tahimik at werdong hayop.. isang pusa, itong si pusa ko ay napakahilig magbasa ng aklat.. eh yong aklat namang binabasa niya ay akda ng isang BOBONG manunulat.. ano namn kaya ang nagustuhan niya doon?!! hay naku.... itong si pusa ay napakatahimik masyadong pormal kaya minsan nagulat na lamang ako ng minsan nakita ko si pusa na sumasayaw..abah! si pusa ko pala ay may tinatagong talent sa pagsasayaw..kaya naman ganon na lamang ang pagkamangha ng madla sa kanya! rock 'en roll meow!meow! proud ako sa pusa ko!
-abay kung talent lang naman ang ang pag-uusapan natin walang tatalo sa kaibigan kong BABOY-RAMO! magaling pang sumayaw at halos daig pa nga niya si beyonce kung pagigilingin, ay magaling rin kumanta! sa katunayan nga nagkaroon na sila ng music video kasama si pusa at si sisiw... itong si BABOY-RAMO ko ay talagang napakakuripot rin minsan... mahilig talaga sa business gaya ng pautang...............ng load! hahay! napakajoker rin minsan ni BABOY-RAMO at napakalakas tumawa halos abot tenga na ang kanyang bunganga sa lakas ng tawa! at ang napakasama lang sa kanya ay iyong mahilig siyang maghasik ng lagim.... NAPAKALAKAS UMUTOT! kaya minsan nga nagdadalawang isip ako kung BABOY-RAMO ba siya o tumpok na basura na nagbibihis baboy na nilagyan lamang ng sungay sa bibig!! hay naku!
- ok!ok! banggitin naman natin ang kaibigan kong si sisiw hindi sisiw ng manok kung hindi sisiw ng pato! hehehe..kaiba siya ano?!! talagang kakaiba dahil kahit gurang na pato na siya ay para pa ring sisiw..hehe sisiw ba ang tawag kapag anak ng pato?? parang hindi ata... parang sisiw kasi siya kung magsalita yong boses niya! at take note itong si sisiw ko ay may braces sa ngipin, kasama niyang may braces ay si manok at si pagong... may nahahalata ba kayo.. bakit iyong mga walang ngipin kong hayop ay merong mga braces??? kakaiba diba sosyal ang mga alaga ko?!
itong si sisiw rin ay magaling sumayaw....kasama siya sa backup dancer ni BABOY-RAMO...kaya mas lalong gumulo ang concert nila!
-abah...nagkaroon rin ako ng isang kaibigan sa pagkakataong ito hindi na isang hayop kundi isang insekto! siya ay si TIPAKLONG!!!si tipakong ay mahilig magtipid sa kanyang baon..tsk2! bagay talaga sila ni baboy-ramo napakakuripot!naalala mo ang kuwento ni langgam at tipaklong?hehehe aba kung naalala mo ako hindi na eh...share mo namn ang kuwentong iyan sa akin..heheehe.... si tipaklong rin ay naging kasama minsan sa concert nila baboy-ramo,sisiw,at pusa....kaya nong tatlo pa lamang sila ay magulo pa lamang ngunit ng dumating itong si tipaklong ay mas lalong gumulo.... mahilig sa budots na sayaw si tipaklong...emotero nga minsan......
-nagkaroon rin ako ng kaibigan na isang unggoy hay naku namn itong si unggoy ay napakahilig maglaro ng on-line game...eh kasi nong sa gubat pa siya ay meron na siyan kompyuter..sosyal si unggoy diba...hehehe... minsan malaki ang nagagasatos ni unggoy sa paglalaro lang..aba at balita ko rin bago ko pa man siya nakuha galing sa gubat may kuya pala siya na isang IT..at kaya namn pala...tsk!!! naku rin namn itong si unggoy magagalit ka nalang minsan kasi minsan hindi nagpapakopya ng assignment at sa quiz...tsk3!!!!
-at ang panghuli ay si philippine monkey eating eagle.... haba ng pangalan niya noh?... tawagin nalang natin siyang eagle, ok na para maikli lang! itong si eagle ay tahimik lamang, simpleng tao, minsan palatawa o palabiro.. mabait si eagle, masunurin, minsan nga natatawa na lamang ako kung meron tumawag sa kanya na "cute"...dami kasing umaangal... sa picture si eagle ay pormal lang talaga siya...konting smile, at pang-akit na mata! si eagle emo rin minsan at medyo istrikto pero medyo lang...gustung-gusto ko talaga si eagle......alam niyo kung bakit?
dahil naman ako si eagle! hehehehe....ah ano hah..may papalag bah!hehehehe
SUMMARY:
ASO-ISTRIKTO,HINDI MAHILIG NG MARAMING TANONG,HINDI GUSTO NADUDUMIHAN.
PAGONG- HINDI NAGPAPANIC, RELAX LAMANG SA BUHAY AT MAHINANG MAGLAKAD.
MANOK- HILIG SA PICTURE, MAARTE, TAKOT SA SINAG NG ARAW
TARSIER- HINDI NAIIBA ANG SMILE SA PICTURE,HILIG GUMIMIK.
LEON-MASUNGIT, SOBRANG SERYOS, HINDI GUSTONG PINAGBIBIRUAN
PUSA-GUSTO MAGBASA NG PANG-BOBONG AKLAT,WERDO,TAHIMIK,MAPAHANGA KA SA SAYAW NIYA!
BABOY-RAMO- MAHILIG KUMANTA, KURIPOT,DAIG SI BEYONCE, PALABIRO,MALAKAS UMUTOT
SISIW- BOSES NIYA'Y PARANG SISIW, KAHIT MATANDA NA AY PARANG SISIW PARIN,ANIMATED TALAGA!
TIPAKLONG- SOBRANG KURIPOT AT MATIPID.
UNGGOY-MAHILIG SA ONLINE-GAMEs
EAGLE- ABA AKO YAN! SIMPLE, PALABIRO, TAHIMIK MINSAN MAKULIT!
Tuesday, February 24, 2009
"PINAGHALONG MGA KAIBIGAN KONG HAYOP"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
gud luck..
ingatz..
god bless..
jigooo..next vid boom boom pow.wahaha.
Gi jigoo!
Post a Comment