balik-tanaw
| |
natatandaan mo pa ba kung ano ka pagkabata?
kung ano itsura mo, yung mga malimit mong nilalaro, o iyong mga batang naging kalaro mo, sa gilid ng kalsada, sa ilog, sa damohan, sa loob ng sala ng inyong bahay, sa loob ng inyong kotse (wow sosyal ka huh), sa tabi ng dagat sa dalampasigan, o yong naging kalaro mo sa putikan at naghahabulan sa ilalim ng malakas na ulan!!
natatandaan mo pa rin ba hanggang sa ngayon yung naging una mong laruan?
madalas mo pa rin bang puntahan ang tagpuan ng inyong barkada?
madalas mo parin bang kinakanta ang themesong ng inyong barkada,ng iyong bestfriend, closefriend, o ng malapit mong pinsan?
tandang-tanda mo parin ba ang mga sikreto niyo ng iyong kaibigan?
dala-dala mo parin ba ang mumurahing kuwentas, sing2, polseras, bato, lapis, at t-shirt nyong dalawa, ng iyong kabarkada, na tanda ng inyong pagkakaibigan?
natatandaan mo pa ba kung kailan ka nahulog sa punong mangga, bayabas, cacao, lansones, durian, niyog, o sa puno ng santol dahil sa pagmamadali mo dahil baka mahuli ka ng may-ari ng punong inakyat mo?
natandaan mo pa ba kung saang bahay kayo ng iyong mga kaibigan, pinsan, kapitbahay, o kapatid una kayong nangaroling at hinabol ng payat na aso?
nawala na ba ang peklat sa tuhod mo nung ikaw ay madapa dahil sa kakatakbo o sa katangahan mo?
hanggang ngayon bay mabibilang mo pa kung ilang barya na ang kinupit mo sa bulsa ng iyong mama,papa o ni ate at kuya, para lang may maimpabiling candy sa tindahan ng inyong kapitbahay, para may panlaro ka sa computer na hinuhulugan ng piso, para lang makabili ng cotton candy, para lang makabili ng esep-esep,hibi,at ding-dong na junkfoods o sticker, holen, lastiko para "dagpa" mo, o para lang pambayad mo sa mama na nagbibenta ng ibon,isda na goldfish,laruan,lobo o ballpen ngunit bago mo to makuha kailangan mo munang bumunot, dapat mabunot mo ang maliit na papel na may zero (o) sa gitna o yung numerong nakalakip sa bagay na gusto mong makuha?
hanggang ngayon bay sinisipsip mo pa ang iyong hinlalaki?
kaya mo parin bang kumain ng bubblegum na pangatlong beses mo ng isinubo at nginuya, babalotin mo lang sa supot uli, o itago sa bulsa at benggo! may pangrecess ka na uli...(kaso matabang na ngalang) eewww!!
na sa iyong kuwarto pa rin ba ang una mong mala-walis tingting mong guhit na kahit nagmumukhang ipis ay proud kang ipagmayabang ito sa nanay mo o sa tatay mo?
marunong ka parin bang gumawa ng baril? iyong baril na gawa sa kawayan at pambala moy basa na papel na pinunit mo pa sa bago mong notebook o sa "very good" mo na takdang-aralin?
hanggang ngyon bay hangad mo pa ang magkaroon ng tigyawat, dahil akala mo nung una isa ka ng ganap na binata o dalaga pag tinubuan ka niyan.?
kaya mo parin bang dumila ng lollipop o icedrop, ice candy ng iyong klasmeyt o ng iyong kaibigan?
hangad mo parin bang magkaroon ng voltes 5, ultraman, dragon ball, o batman na t-shirt?
tanda mo pa ba kung kailan ka hinalikan sa pisngi ng crush mong kababata na kapitbahay? (ewan ko kung alam mo na ba ang salitang crush sa panahon na iyon)
natatandaan mo rin ba kung sino ang una mong naging kasuntukan, kasabunutan o kaaway dahil sa isang napaka simpleng bagay?
marunong k parin bang gumawa ng bahay-bahayan kasama ang iyong kaibigan at maging papapapa,mamamama, o anak sa inyong laro ?
nahihiya ka pa rin ba hanggang ngayon sa tuwing maisip mo nong tumae ka sa pantalon mo, o sa short habang naglalaro o habang nagpipigil sa kilabot ng kalikasan at kasulukuyang nagtuturo ang guro mo sa math,sibika,science,filipino,english,o sa ikawp?
at natatandaan mo pa ba nong una kang makaramdam ng crush o pag-ibig sa klasmeyt mo sa elementarya, sa kapitbahay, sa kalaro o kahit sa bagong kakilala mong pinsan dahil sa panahong iyon di mo pa alam n mali pala ang umibig sa pinsan.........
(ano, natuwa k ba nong iniisip mo ang iyong nakaraan?)hehehe ako nga ri eh.....
2 comments:
nagbibinta..go jiG!
reminiscing its past, how beautiful and proud you are. You are nothing but a true citizen whose boastful acts remind the others of their root. A one of a kind living protecting the untamed beauty of its culture....
Post a Comment